OSEAS 14 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang Israel ay sinamo upang magbalik sa Panginoon.

1Oh Israel, manumbalik ka sa Os. 12:6. Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.

2Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang Awit 60:14; Gawa 13:15. mga toro ang handog ng aming mga labi.

3Hindi Os. 5:13. kami ililigtas ng Asiria; kami ay Is. 30:2, 16; 31:1. hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; Awit 10:14. sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.

4Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, Os. 11:1. akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya.

5Ako'y Mik. 5:7. magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.

6Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano.

7 Awit 91:1. Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano.

8 Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; Juan 15:4, 5. mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga.

9Sino Awit 107:33. ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? Kaw. 10:29. sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help