MGA AWIT 147 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.

1Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't Awit 92:1. mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;

Awit 135:3. Sapagka't maligaya, at ang pagpuri Awit 33:1. ay nakalulugod.

2 Awit 102:16. Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;

Kaniyang pinipisan ang mga Deut. 30:3; Ezek. 39:28. natapon na Israel.

3 Awit 51:17. Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,

At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.

4 Gen. 15:5; Is. 40:26. Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;

Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.

5Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;

Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,

6 Awit 146:8, 9. Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:

Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.

7Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;

Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:

8 Job 38:26, 28; Awit 104:14. Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.

Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,

na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.

9 Job 39:3; Awit 104:27; Mat. 6:26. Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.

At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.

10 Awit 33:17; Os. 1:7. Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:

Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.

11Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,

Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.

12Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;

Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.

13Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;

Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.

14 Is. 60:17, 18. Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;

Awit 132:15. Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.

15Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;

Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.

16 Job 37:6. Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;

Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.

17Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:

Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?

18 Job 37:10. Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:

Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.

19 Deut. 33:2. Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,

Mat. 3:4. Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.

20 Deut. 4:32, 33, 34. Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:

At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help