ISAIAS 12 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Muling titipunin (karugtong).

1At sa araw na yaon ay Is. 2:11. iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.

2Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: Ex. 15:2; Awit 118:14; Is. 26:4. sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.

3Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.

4At Is. 2:11. sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, Awit 145:4-16. ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.

5 Awit 98:1. Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.

6Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel Is. 5:24; 41:14, 16. sa gitna mo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help