1At
41Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't Panag. 1:5.sila'y yayaon sa pagkabihag.
42Lahat ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang.
43Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa.
44Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: tal. 13.siya'y magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot.
45At lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka, at aabutan ka, hanggang sa magiba ka; sapagka't hindi mo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na kaniyang iniutos sa iyo:
46At ang mga yao'y magiging Is. 8:18.isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailan man:
47Sapagka't hindi ka naglingkod sa Panginoon mong Dios na Is. 65:14.may kagalakan, at may kasayahan ng puso, Deut. 32:15.dahil sa kasaganaan ng lahat ng mga bagay:
48Kaya't maglilingkod ka sa iyong mga kaaway na susuguin ng Panginoon laban sa iyo, na may gutom, at uhaw, at kahubaran, at sa kakulangan ng lahat ng mga bagay: at Jer. 28:14.lalagyan ka niya ng isang pamatok na bakal sa iyong leeg hanggang sa maibuwal ka niya.
49 Jer. 5:15; 6:22-23; Luc. 19:43. Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo, mula sa katapusan ng lupa, Jer. 48:40; 49:22; Panag. 4:19; Ezek. 17:3; Os. 8:1.na gaya ng lumilipad ang aguila; isang bansang ang wika'y hindi mo nababatid;
50Bansang mukhang mabangis, 2 Cron. 36:17; Is. 47:6.na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni magpapakundangan sa bata:
51At Is. 62:3.kaniyang kakanin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa maibuwal ka; na wala ring matitira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay maipalipol.
52 2 Hari 25:1, 2, 4. At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
53 2 Hari 6:28-29; Panag. 2:20; 4:10. At kakain ka ng bunga ng iyong sariling katawan, ng laman ng iyong mga anak na lalake at babae, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, sa pagkakubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway.
54Ang lalaking mahabagin sa gitna mo, at totoong maramdamin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa kaniyang kapatid, at sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa labis sa kaniyang mga anak na ititira:
55Na anopa't hindi niya ibibigay sa kaninoman sa kanila ang laman ng kaniyang mga anak na kaniyang kakanin, sapagka't walang natira sa kaniya, sa pagkubkob at sa kagipitan na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan.
56 tal. 54; Is. 47:1. Ang mahabagin at maramdaming babae sa gitna mo, na hindi pa natitikmang itungtong ang talampakan ng kaniyang paa sa lupa dahil sa kahinhinan at pagkamahabagin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa kaniyang anak na lalake, at babae;
57At sa kaniyang sanggol na lumalabas Gen. 49:10.sa pagitan ng kaniyang mga paa at sa kaniyang mga anak na kaniyang ipanganganak; sapagka't kaniyang kakanin ng lihim sila dahil sa kakulangan ng lahat ng mga bagay, sa pagkubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa iyong mga pintuang-bayan.
58Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot Ex. 6:3.dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.
59Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.
60At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat Deut. 7:15.ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo.
61Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal.
62At Deut. 26:5.kayo'y malalabing kaunti sa bilang, pagkatapos na kayo'y naging Deut. 10:22; Neh. 9:23.gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios.
63At mangyayari, na kung paanong ang Panginoon Deut. 30:9; Jer. 32:41.ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo: ay gayon Is. 1:24; Ezek. 5:13.magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo, at ibuwal kayo; at kayo'y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin.
64At pangangalatin Lev. 26:33; Jer. 16:13.ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at tal. 36.doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato.
65At Amos 9:4.sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: Lev. 26:36.kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at Lev. 26:16.panglalambot ng kaluluwa:
66At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo; at ikaw ay matatakot gabi't araw, at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay.
67 Job 7:4. Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita.
68At Jer. 43:7; Os. 8:13; 9:3.pababalikin ka ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng sasakyan, sa daan na aking sinabi sa iyo, Deut. 17:16.Hindi mo na uli makikita; at doo'y pabibili kayo sa inyong mga kaaway na pinaka aliping lalake, at babae, at walang taong bibili sa inyo.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.