1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha Ezek. 21:28. sa mga anak ni Ammon, at manghula ka laban sa kanila:
3At sabihin mo sa mga anak ni Ammon, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't iyong sinabi, Aha, laban sa aking santuario, nang Ezek. 26:6. malapastangan; at laban sa lupain ng Israel, nang masira; at laban sa sangbahayan ni Juda, nang sila'y pumasok sa pagkabihag:
4Kaya't narito, aking ibibigay ka sa Ezek. 21:20. mga anak ng silanganan na pinakaari, at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo, at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy, at kanilang iinumin ang iyong gatas.
5At aking gagawin ang Ezek. 21:20. Raba na pinaka silungan ng mga kamello, at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
6Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't pumakpak ka ng iyong mga kamay, at tumadyak ka ng mga paa, at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel;
7Kaya't narito, aking iniunat ang aking kamay sa iyo, at ibibigay kita Ezek. 7:21. na pinakasamsam sa mga bansa; at ihihiwalay kita sa mga bayan, at ipalilipol kita sa mga lupain: aking ibubuwal ka; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.
8Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang Is. 15:1. Moab at ang Ezek. 35:2. Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa;
9Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang Jos. 12:3. Beth-jesimoth, ang 1 Cron. 5:8. Baal-meon, at ang Jer. 48:1. Chiriathaim.
10Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa:
11At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
12Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang Awit 137:7; Is. 34:5. Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila;
13Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira 1 Cron. 1:45. mula sa Teman; hanggang sa Ezek. 27:15, 20; 38:13. Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak.
14At Jer. 49:7-22; Amos 9:12; Oba. 1:19, 21. aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios.
15Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang mga Is. 14:29-32; Jer. 25:20; 47:1; Joel 3:4; Amos 1:6. Filisteo ay gumawa ng panghihiganti, at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man;
16Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo, at aking ihihiwalay ang mga 1 Sam. 30:14. Ceretheo, at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat.
17At ako'y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.