MGA AWIT 143 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.

1Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:

Sa iyong pagtatapat ay Awit 31:1. sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.

2 Job 14:3. At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;

Sapagka't sa iyong paningin ay Ex. 34:7; Job 9:2; 25:4; Awit 130:3; Rom. 3:20; Gal. 2:16. walang taong may buhay na aariing ganap.

3Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;

Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:

Kaniyang pinatahan ako Awit 88:6. sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.

4Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;

Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.

5 Awit 77:11. Aking naaalaala ang mga araw ng una;

Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:

Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.

6 Job 11:13. Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:

Awit 42:2; 63:1. Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)

7Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:

Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;

Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.

8Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob Awit 5:3. sa kinaumagahan;

Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:

Awit 25:4. Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;

Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.

9Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:

Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.

10 Awit 25:4, 5. Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;

Sapagka't ikaw ay aking Dios:

Neh. 9:20; Awit 51:11, 15. Ang iyong Espiritu ay mabuti;

Patnubayan mo ako Awit 27:11; Is. 26:10. sa lupain ng katuwiran.

11Buhayin mo ako, Oh Panginoon, Awit 25:11; 71:20. dahil sa iyong pangalan:

Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,

12At sa iyong kagandahang-loob ay Awit 54:5. ihiwalay mo ang aking mga kaaway,

At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;

Sapagka't Awit 116:16. ako'y iyong lingkod.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help