MGA AWIT 99 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kahabagan sa Israel.

1Ang Panginoon ay 1 Cron. 16:31. naghahari: manginig ang mga bayan.

Ex. 25:22; Awit 80:1. Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.

2Ang Panginoon ay dakila sa Sion; At siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.

3Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan:

Siya'y Luc. 1:49. banal.

4Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan;

Ikaw ay nagtatatag ng karampatan,

Ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.

5Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,

At magsisamba kayo 1 Cron. 28:2. sa harap ng kaniyang tungtungan;

Apoc. 15:4. Siya'y banal.

6 Ex. 24:6-8; 40:23, 25, 27; Lev. 8:1-30. Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si 1 Sam. 7:9; 12:18. Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;

Sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.

7Siya'y nagsasalita sa kanila Ex. 33:5; Blg. 12:5. sa haliging ulap:

Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.

8Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;

Blg. 14:20. Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,

Blg. 20:12; Deut. 9:20. Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.

9Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,

At magsisamba kayo sa kaniyang Awit 2:6. banal na bundok;

Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help