1Hingin ninyo sa Panginoon ang Deut. 11:14. ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang.
2Sapagka't ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan, at Jer. 27:9. ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan; at Jer. 23:25. sila'y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip, sila'y nagsisialiw ng walang kabuluhan: kaya't sila'y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa, sila'y nadadalamhati, Ezek. 34:5; Mat. 9:36. sapagka't walang pastor.
3Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor, at aking parurusahan Is. 14:9. ang mga lalaking kambing; sapagka't dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda, at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka.
4Sa kaniya lalabas ang Awit 118:22. batong panulok, sa kaniya ang Is. 22:23. pako, sa kaniya Zac. 9:13. ang busog na pangbaka, sa kaniya ang bawa't pinuno na magkakasama.
5At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalake, na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka; at sila'y magsisilaban, sapagka't ang Panginoon ay sumasakanila; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig.
6At aking palalakasin ang sangbahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sangbahayan ni Jose, at aking ibabalik sila uli; sapagka't ako'y naawa sa kanila; at sila'y magiging parang hindi ko itinakuwil: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios, at aking didinggin sila.
7At ang mga sa Ephraim ay magiging parang makapangyarihang lalake, at ang kanilang puso ay Awit 104:15; Zac. 9:15. mangagagalak na gaya ng sa alak; oo, ito'y makikita ng kanilang mga anak, at mangagagalak: ang kanilang puso ay masasayahan sa Panginoon.
Titipunin ng Panginoon ang kaniyang nangalat na bayan.8Aking susutsutan Is. 5:26. sila, at sila'y pipisanin; sapagka't aking tinubos sila; at sila'y magsisidami ng gaya ng kanilang dinami.
9At aking pangangalatin Os. 2:23. sila sa gitna ng mga bansa; at aalalahanin nila ako Deut. 30:1-3. sa mga malayong lupain; at sila'y nagsisitahang kasama ng kanilang mga anak, at magsisipagbalik.
10Aking dadalhin uli sila mula sa lupain ng Egipto, at pipisanin sila Is. 11:11; 27:13; Os. 11:11. mula sa Asiria; at aking dadalhin sila sa lupain ng Galaad at Libano; at Is. 49:20. walang dakong masusumpungan para sa kanila.
11At siya'y Is. 11:15. magdadaan ng dagat ng kadalamhatian, at hahawiin ang mga alon sa dagat, at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo; at ang kapalaluan ng Asiria ay mababagsak, at ang cetro ng Egipto ay Ezek. 30:13. mawawala.
12At aking palalakasin sila sa Panginoon; at Mik. 4:5. sila'y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan, sabi ng Panginoon.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.