MGA AWIT 116 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.

1Aking iniibig Awit 18:1. ang Panginoon, sapagka't Awit 66:19; 118:21. kaniyang dininig

Ang aking tinig at aking mga hiling.

2Sapagka't kaniyang Awit 86:11. ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,

Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.

3Ang tali ng kamatayan ay Awit 18:4. pumulupot sa akin,

At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:

Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.

4 Awit 18:6. Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;

Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.

5 Awit 86:15; 145:17. Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;

Oo, ang Dios namin ay maawain.

6Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:

Awit 79:8. Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.

7Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Jer. 6:16; Mat. 11:29. Oh kaluluwa ko;

Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.

8 Awit 56:13; 86:13. Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,

At ang mga mata ko sa mga luha,

At ang mga paa ko sa pagkabuwal.

9Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,

Awit 27:13. Sa lupain ng mga buháy.

10 2 Cor. 6:28. Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:

Ako'y lubhang nagdalamhati:

11 Awit 31:22. Aking sinabi sa aking pagmamadali,

Lahat ng tao ay bulaan.

12Ano ang aking ibabayad sa Panginoon

Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?

13Aking kukunin ang Awit 16:5; Luc. 22:17. saro ng kaligtasan,

At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.

14 Awit 22:25. Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,

Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.

15 Blg. 23:10; Awit 72:16. Mahalaga sa paningin ng Panginoon

Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.

16Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;

Ako'y iyong lingkod, na Awit 86:16. anak ng iyong lingkod na babae;

Iyong kinalag ang aking mga tali.

17Aking ihahandog sa iyo ang Awit 107:22. hain na pasalamat,

At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.

18Aking babayaran ang mga panata ko tal. 14. sa Panginoon,

Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;

19Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,

Sa gitna mo, Oh Jerusalem.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help