1Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel.
Sa mga malilinis sa puso.
2Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay:
Ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas.
3 Job 21:7; Awit 35:27. Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog,
Nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.
4Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan:
Kundi ang kanilang kalakasan ay Gen. 41:2. matatag.
5Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao;
Na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.
6Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg:
Tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
7Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan:
Sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.
8Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati:
2 Ped. 2:18; Jud. 16. Sila'y nangagsasalitang may kataasan.
9Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit,
At ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.
10Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan:
At tubig ng punong saro ay nilalagok nila.
11At kanilang sinasabi, Job 22:13; Awit 10:11. Paanong nalalaman ng Dios?
At may kaalaman ba sa Kataastaasan?
12Narito, ang mga ito ang masama;
tal. 3; Awit 17:14. At palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
13 tal. 1; Mal. 3:14. Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso,
Awit 26:6. At hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
14Sapagka't buong araw ay nasalot ako,
At naparusahan tuwing umaga.
15Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito;
Narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
16Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito,
Ay napakahirap sa ganang akin;
17Hanggang Awit 20:2; 77:13. sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios,
At aking nagunita Awit 37:38. ang kanilang huling wakas,
18Tunay na iyong inilagay Awit 35:6. sila sa mga madulas na dako:
Iyong inilugmok sila sa kapahamakan.
19Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali!
Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.
20 Job 20:8. Ang panaginip sa pagkagising:
Sa gayon, Oh Panginoon, Awit 78:65. pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.
21Sapagka't ang puso ko'y namanglaw,
At sa aking kalooban ay nasaktan ako:
22 Awit 92:6. Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos;
Ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo.
23Gayon ma'y laging sumasaiyo ako:
Iyong inalalayan ang aking kanan.
24 Awit 32:8. Iyong papatnubayan ako ng iyong payo,
At Awit 49:15. pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25 Fil. 3:8. Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw?
At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo.
26 Awit 40:12; 84:2. Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay:
Nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at Awit 16:5. bahagi ko magpakailan man.
27Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol:
Iyong ibinuwal silang lahat, Ex. 34:15; Blg. 15:39; Sant. 4:4. na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.
28Nguni't mabuti sa akin Heb. 10:22. na lumapit sa Dios;
Ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios,
Awit 107:26. Upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.