1Nang magkagayo'y
15Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong Gawa 2:10; 6:5. makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.
16Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, Mat. 5:33-35. Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya.
17Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, Ex. 30:29. o ang templong bumabanal sa ginto?
18At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya.
19Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o Ex. 29:37. ang dambana na bumabanal sa handog?
20Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito.
21At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at 1 Hari 8:13. yaong tumatahan sa loob nito.
22Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.
23Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong Mat. 9:13; 12:7. pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.
24Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!
25Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! Luc. 11:39. sapagka't inyong nililinis ang labas Mar. 7:4. ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan.
26Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.
27Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Gawa 23:3. sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng Blg. 19:16. lahat na karumaldumal.
28Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.
29Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at Luc. 11:25. inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid,
30At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.
31Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na Gawa 7:51, 52. kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta.
32Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang.
33Kayong mga ahas, Mat. 3:7; 12:34. kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?
34 Luc. 11:49-51. Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga Mat. 13:52. eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; Mat. 10:17. at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan:
35 Apoc. 18:24. Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, Gen. 4:8. buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni 2 Cron. 24:20, 22. Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.
36Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.
37Oh Jerusalem, Jerusalem, Luc. 13:34, 35. na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo!
38Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.
39Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Awit 118:26. Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.