MGA AWIT 34 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. 1 Sam. 21:13.

Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.

1Aking pupurihin Ef. 5:20. ang Panginoon sa buong panahon:

Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.

2Ang aking kaluluwa ay maghahambog Awit 69:30; Luc. 1:46. sa Panginoon:

Maririnig ng maamo at masasayahan.

3Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,

At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.

4 Mat. 7:7. Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,

At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.

5Sila'y nagsitingin sa kaniya, at Is. 60:5. nangaliwanagan:

At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.

6Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.

At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.

7 Ex. 23:20, 23. Ang anghel ng Panginoon ay Gen. 23:2; Zac. 9:8. humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,

At ipinagsasanggalang sila.

8 1 Ped. 2:3. Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:

Awit 2:12. Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.

9Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:

Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.

10Ang mga Job 4:10, 11. batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.

Awit 37:25. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.

11Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:

Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.

12 1 Ped. 3:10-12. Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,

At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?

13Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.

At ang iyong mga labi 1 Ped. 2:22. sa pagsasalita ng karayaan.

14 Awit 37:27; Job 28:28. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;

Rom. 14:19; Heb. 12:14. Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.

15 Job 36:7; Awit 33:18. Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,

At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.

16 Jer. 44:11. Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,

Job 18:17. Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.

17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,

At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.

18Ang Panginoon ay malapit Awit 51:17; 147:3; Is. 61:1. sa kanila na may bagbag na puso,

At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.

19 2 Tim. 3:11, 12. Marami ang kadalamhatian ng matuwid;

Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.

20Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:

Juan 19:36. Wala isa man sa mga yaon na nababali.

21Papatayin ng kasamaan ang masama:

At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.

22 Awit 71:23. Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:

At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help