MGA KAWIKAAN 13 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

1 Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama:

1 Sam. 2:25. Nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.

2Ang tao ay kakain ng mabuti ayon Kaw. 12:14. sa bunga ng kaniyang bibig:

Nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan,

3 Awit 141:3; Kaw. 21:23; Sant. 3:2. Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay:

Nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.

4Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman:

Nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.

5Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling:

Nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.

6Bumabantay Kaw. 11:3, 5, 6. ang katuwiran sa matuwid na lakad;

Nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.

7 Kaw. 11:24. May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman:

Kaw. 12:9; 2 Cor. 6:10. May nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan.

8Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan:

Nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta.

9Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak:

Job 18:5; 21:17; Kaw. 24:20. Nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin.

10Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang:

Nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi.

11Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay Kaw. 10:2; 20:21. huhupa:

Nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.

12Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso:

tal. 19. Nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.

13 Kaw. 19:16. Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili:

Nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin.

14 Kaw. 10:11. Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay,

Upang lumayo sa mga silo ng kamatayan.

15Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap:

Nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap.

16Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman:

Nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan.

17Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan:

Nguni't ang tapat na Kaw. 25:13. sugo ay kagalingan.

18Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway:

Nguni't Kaw. 15:5, 31, 32. siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri.

19Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa:

Nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan.

20Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas;

Nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.

21 Awit 32:10. Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan;

Nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti.

22Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak;

Job 27:16, 17; Kaw. 28:8; Ec. 2:26. At ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.

23Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha:

Nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan.

24 Kaw. 19:18; 22:15; 23:13, 14; 29:15, 17. Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak:

Nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsanminsan.

25 Awit 34:9, 10; 37:3. Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa;

Nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help