MGA AWIT 95 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.

1 Awit 55:23. Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:

Awit 100:1. Tayo'y magkaingay na may kagalakan Deut. 32:15; 2 Sam. 22:47. sa malaking bato na ating kaligtasan.

2Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,

Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.

3Sapagka't ang Awit 97:9. Panginoon ay dakilang Dios,

At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,

4Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,

Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.

5Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:

At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.

6Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;

Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.

7Sapagka't siya'y ating Dios,

At tayo'y Awit 74:1. bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.

Ngayon, kung Heb. 3:7-11, 15; 4:7. inyong didinggin ang kaniyang tinig!

8Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,

Gaya sa kaarawan ng Masa Ex. 17:2, 7; Blg. 14:22. sa ilang:

9 1 Cor. 10:9. Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,

Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.

10Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,

At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.

At hindi naalaman ang aking mga daan:

11Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,

Heb. 4:3, 5; Blg. 14:28. Na sila'y hindi magsisipasok sa aking Deut. 12:9. kapahingahan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help