MGA AWIT 30 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Salmo; Awit sa Pagtatalaga ng Bahay: Awit ni David.

1Dadakilain kita, Oh Blg. 7:10. Panginoon; sapagka't itinindig mo ako,

At hindi mo Awit 25:2. pinagalak sa akin ang aking mga kaaway.

2Oh Panginoon kong Dios,

Dumaing ako sa iyo, at Awit 6:2. ako'y pinagaling mo.

3Oh Panginoon, Awit 86:13. iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol:

Iyong iningatan akong buháy, upang huwag akong Awit 28:1. bumaba sa hukay.

4 1 Cron. 16:4; Awit 97:12. Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya,

At mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.

5Sapagka't ang kaniyang galit ay Awit 103:9; Is. 26:20; 54:7, 8. sangdali lamang;

Awit 63:3. Ang kaniyang paglingap ay habang buhay:

Awit 126:5. Pagiyak ay magtatagal ng magdamag,

Nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.

6Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan:

Hindi ako makikilos kailan man.

7Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok:

Awit 104:29. Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag.

8Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;

At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:

9Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay?

Awit 6:5. Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?

10Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin:

Panginoon, maging saklolo nawa kita.

11 2 Sam. 6:14; Jer. 31:4, 13; Panag. 5:15. Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis;

Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:

12Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na Awit 16:9; 57:8. pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik:

Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help