MGA AWIT 122 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

1Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,

Tayo'y magsiparoon Is. 2:3; Zac. 8:21. sa bahay ng Panginoon.

2Ang mga paa natin ay nagsisitayo

Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;

3Jerusalem, na natayo

Na parang bayang 2 Sam. 5:9. siksikan:

4 Ex. 23:17; Deut. 16:16. Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,

Ex. 16:34. Na pinaka patotoo sa Israel,

Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.

5 Deut. 17:8; 2 Cron. 19:8. Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,

Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.

6 Awit 51:18. Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:

Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.

7Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,

At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.

8Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,

Aking sasabihin ngayon,

1 Sam. 26:6. Kapayapaan ang sumaiyong loob.

9Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.

Neh. 2:10. Hahanapin ko ang iyong buti.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help