MGA AWIT 5 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin upang ipag-adya sa masama. Sa Pangulong manunugtog; pati ng Nehiloth. Awit ni David.

1Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,

Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.

2Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Awit 84:3. Hari ko, at Dios ko;

Sapagka't Awit 65:2. sa Iyo'y dumadalangin ako.

3Oh Panginoon, Awit 88:13. sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig;

Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.

4Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:

Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.

5Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:

Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.

6Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga Awit 4:2; Apoc. 21:8. kabulaanan:

Awit 55:23. Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,

7Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;

1 Hari 8:29, 30; Awit 137:7. Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.

8 Awit 25:5. Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;

Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.

9Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;

Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;

Ang kanilang lalamunan ay bukas na Rom. 3:13. libingan;

Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.

10Bigyan mong sala sila, Oh Dios;

Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:

Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;

Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,

11Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,

Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:

Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.

12Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;

Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap Awit 35:2. na gaya ng isang kalasag.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help