1Kayo'y magsipakinig sa akin, sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang Is. 40:6. damo;
13At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo, na Job 9:8. nagladlad ng mga langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa; at ikaw ay natatakot na lagi buong araw dahil sa pusok ng mamimighati, pagka siya'y nagmamadali upang gumiba? at saan nandoon ang pusok ng mamimighati?
14Ang bihag na tapon ay madaling bibitawan; Zac. 9:11. at hindi mamamatay at bababa sa hukay, o magkukulang man ang kaniyang tinapay.
15Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, Jer. 31:35. na nagpapahugong sa dagat, na ang mga alon niyao'y humuhugong: ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.
16At inilagay ko ang aking mga salita Is. 59:21. sa iyong bibig, at tinakpan kita Is. 49:2, 3. sa lilim ng aking kamay, upang aking mailadlad ang mga langit, at mailagay ang mga patibayan ng lupa, at magsabi sa Sion, Ikaw ay aking bayan.
17Gumising ka, tal. 9. gumising ka, tumayo ka, Oh Jerusalem, na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa tal. 22; Mat. 20:22. saro ng kaniyang kapusukan; iyong ininuman Awit 73:10; Ezek. 23:34. ang saro ng pangpagiray, at iyong sinaid.
18Walang pumatnubay sa kaniya sa lahat na anak na kaniyang ipinanganak; o may humawak man sa kaniya sa kamay sa lahat na anak na kaniyang pinalaki.
19Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo; sinong makikidamdam sa iyo? kagibaan, at kasiraan, at ang kagutom at ang tabak; Amos 7:2. paanong aaliwin kita?
20Ang iyong mga anak ay nanganglupaypay, Panag. 2:11, 12. sila'y nangahihiga sa dulo ng lahat na lansangan, na gaya ng isang usa sa isang silo; sila'y puspos ng kapusukan ng Panginoon, ng saway ng iyong Dios.
21Kaya't pakinggan mo ito ngayon, ikaw na nagdadalamhati, at lango, Panag. 3:15. nguni't hindi ng alak:
22Ganito ang sabi ng iyong Panginoon na Jehova, at ng iyong Dios Jer. 50:34. na nagsasanggalang ng usap ng kaniyang bayan, Narito, aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray, ang saro nga ng aking kapusukan; hindi ka na iinom pa:
23At aking Jer. 25:17; Zac. 12:2. ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo, Awit 66:11, 12. na nakapagsabi sa iyong kaluluwa, Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan, at iyong inilagpak ang iyong likod na parang lupa, at parang lansangan sa kanilang nagdaraan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.