I PEDRO 2 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1 1 Ped. 2:11. Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na Ef. 4:31. kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat Sant. 4:11. ng panglalait,

2 Mat. 18:3. Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo 1 Cor. 3:2. ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;

3Kung inyong Heb. 6:5. napagkilala na ang Panginoon ay Luc. 6:35. mapagbiyaya:

4Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y tal. 6, 7. itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,

5Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay Ef. 2:20-22. natatayong Heb. 3:6. bahay na ukol sa espiritu, tal. 9. upang maging pagkasaserdoteng banal, Rom. 12:1; Heb. 13:15. upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, Fil. 4:18. na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.

6Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan,

Is. 28:16; Rom. 9:33. Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga:

At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

7Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya,

Awit 118:22. Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay

Siyang naging pangulo sa panulok;

8At,

Batong katitisuran, Is. 8:14. at bato na pangbuwal;

Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: Rom. 9:22. na dito rin naman sila itinalaga,

9Datapuwa't kayo'y 1 Ped. 1:2. isang lahing hirang, isang makaharing Apoc. 1:6. pagkasaserdote, Deut. 26:16. bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo Gawa 26:18. mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:

10Na Rom. 9:25, 26. nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.

11Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo'y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, Sant. 4:1. na nakikipaglaban sa kaluluwa;

12Na Fil. 2:15. kayo'y mangagkaroon Gal. 1:13. ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil; upang, sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa 1 Ped. 3:16. nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa Mat. 5:16. na kanilang nakikita, ay purihin nila ang Dios sa araw Luc. 19:44. ng pagdalaw.

13Kayo'y Rom. 13:1. pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;

14O sa mga gobernador, na sinugo niya Rom. 13:4. sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.

15Sapagka't 1 Ped. 3:17. siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo:

16Na gaya nang kayo'y mga laya, Gal. 5:1. at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi 1 Cor. 7:22. gaya ng mga alipin ng Dios.

17Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.

18Mga alila, Ef. 6:5. kayo'y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik.

19Sapagka't ito'y Mat. 5:10; Rom. 13:5. kalugodlugod, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid.

20Sapagka't 1 Ped. 3:14. anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.

21Sapagka't Gawa 14:22. sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si 1 Ped. 3:18. Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:

22Na siya'y hindi nagkasala, Is. 53:9. o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:

23Na, nang siya'y alipustain, ay Is. 53:7. hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala Luc. 23:46.

ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid:

24Na siya rin ang Is. 53:4; Mat. 8:17. nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang Rom. 6:2. pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; Is. 53:5. na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.

25Sapagka't Is. 53:6. kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa't ngayon ay nangabalik kayo sa 1 Ped. 5:4. Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help