1Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na 1 Tim. 1:10. magaling:
2Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, 1 Tim. 3:4. mahusay, mahinahon ang pagiisip, Tit. 1:13. magagaling sa 2 Tim. 3:10. pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:
3Na gayon din ang matatandang babae 1 Tim. 2:9. ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan;
4Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na 1 Tim. 5:14. magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon,
5Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang 1 Tim. 6:1. salita ng Dios:
6Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila'y mangagpakahinahon ng pagiisip:
7Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,
8Pangungusap na magaling, 1 Tim. 6:3. na di mahahatulan; 1 Ped. 2:12. upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.
9Iaral mo sa mga Ef. 6:5; 1 Tim. 6:1, 2. alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin;
10Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay tal. 7; 1 Tim. 6:1. ang aral ng Dios na Tit. 1:3. ating Tagapagligtas.
11Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
12Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan 1 Juan 2:16. at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito;
13Na hintayin yaong Col. 1:5, 23. mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng Col. 3:4. kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
14Na siyang Rom. 4:25. nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, 1 Tim. 2:6. upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili Ex. 19:5; 1 Ped. 2:9. ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.
15Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. 1 Tim. 4:12. Sinoman ay huwag humamak sa iyo.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.