APOCALIPSIS 16 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi Apoc. 15:1. sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok Apoc. 14:10. ng kagalitan ng Dios sa lupa.

2At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok Apoc. 8:7. sa lupa; at Ex. 9:9, 11. naging sugat na masama at mabigat sa mga taong Apoc. 13:16. may tanda ng hayop na yaon, at Apoc. 13:15. nangagsisamba sa kaniyang larawan.

3At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok Apoc. 8:8. sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; Apoc. 8:9. at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

4At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok Apoc. 8:10. sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; Ex. 7:17, 20. at nangaging dugo.

5At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, Apoc. 15:3. Matuwid ka, Apoc. 1:4. na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon;

6Sapagka't ibinuhos nila ang dugo Apoc. 11:18. ng mga banal at ng mga propeta, Is. 49:26. at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila.

7 Apoc. 6:9. At narinig ko ang Apoc. 9:13. dambana na nagsasabi, Oo, Oh Apoc. 15:3. Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.

8At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok Apoc. 8:12. sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao.

9At Mat. 13:6; Mar. 4:6. nangasunog ang mga tao sa matinding init: at tal. 11, 21. sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; Apoc. 2:21. at hindi sila nangagsisi upang siya'y Apoc. 11:13. luwalhatiin.

10At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok Apoc. 13:2. sa luklukan ng hayop na yaon; Ex. 10:21. at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

11At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap tal. 2. at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.

12At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok Apoc. 9:14. sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo Is. 44:27. ang tubig nito, Is. 41:2. upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

13At nakita kong lumabas sa bibig Apoc. 12:3. ng dragon, at sa Apoc. 13:1. bibig ng hayop, at sa bibig Apoc. 13:11, 14; 19:20; 20:10. ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na Ex. 8:6. gaya ng mga palaka:

14Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, Mat. 24:24; Apoc. 13:14; 19:20. na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa Apoc. 17:14; 19:19. pagbabaka Apoc. 6:17. sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.

15(Narito, ako'y pumaparitong Apoc. 3:2. gaya ng magnanakaw. Mat. 24:42, 46. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)

16At tinipon sila Apoc. 19:19. sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Huk. 5:19; Zac. 2:11. Armagedon.

17At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas Apoc. 14:17. sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:

18At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na Dan. 12:1; Mat. 24:21. lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.

19At ang dakilang Apoc. 14:8. bayan ay nabahagi sa Apoc. 11:13. tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, Apoc. 14:10. upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.

20At tumakas ang Apoc. 6:14. bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.

21At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay Apoc. 11:19. lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang tal. 9, 11. mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help