1Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,
9Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,
Sa gitna ng iyong templo.
10Kung ano ang Deut. 28:58; Jos. 7:9; Awit 113:3; Mal. 1:11, 14. iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;
Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga Awit 97:8. anak na babae ng Juda,
Dahil sa iyong mga kahatulan.
12Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:
Inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,
Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;
Upang inyong maisaysay ito sa Awit 102:18. susunod na lahi.
14Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:
Siya'y magiging ating Is. 58:11. patnubay hanggang sa kamatayan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
