APOCALIPSIS 3 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

1At sa anghel ng iglesia sa Apoc. 1:11. Sardis ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Apoc. 1:4, 16. may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, Ef. 2:1. at ikaw ay patay.

2Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios.

3Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat Apoc. 2:25. ay paririyan akong Mat. 24:43; Apoc. 16:15. gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.

4Nguni't mayroon kang Gawa 1:15. ilang pangalan sa Sardis na hindi Jud. 23; Apoc. 14:4. nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad Apoc. 3:11; 7:9. na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat.

5 Apoc. 2:7. Ang magtagumpay Apoc. 19:8. ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko Ex. 32:32. papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan Apoc. 13:8; 17:8; 20:12, 15; 21:27; 22:19. sa aklat ng buhay, at Mat. 10:32. ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at Luc. 12:8. sa harapan ng kaniyang mga anghel.

6Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

7At Apoc. 1:20. sa anghel ng iglesia sa Apoc. 1:11. Filadelfia ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong 1 Juan 5:20. totoo, Is. 22:22. niyaong may susi ni David, Mat. 16:19. niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:

8Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.

9Narito, ibinibigay ko Apoc. 2:9. sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y Is. 49:23; 60:14. aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.

10Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.

11 Apoc. 22:7, 12, 20. Ako'y dumarating na madali: Apoc. 2:25. panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang Apoc. 2:10. iyong putong.

12 tal. 5. Ang magtagumpay, ay gagawin kong Jer. 1:18; Gal. 2:9. haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya Apoc. 14:1; 22:4. ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang Gal. 4:26; Apoc. 21:2. bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang Apoc. 2:17. aking sariling bagong pangalan.

13Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

14At sa anghel ng iglesia sa Apoc. 1:11. Laodicea ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Is. 65:16. Siya Juan 8:14; Apoc. 19:11; 22:6. Nawa, ng saksing tapat at totoo, Col. 1:15. ng pasimula ng paglalang ng Dios:

15Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.

16Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.

17Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad:

18Ipinapayo ko sa iyo Is. 55:1; Mat. 13:44, 46; 25:9. na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng tal. 4. mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.

19Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway Kaw. 3:11, 12. at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at tal. 3. magsisi.

20Narito ako'y nakatayo sa pintuan at Luc. 12:36, 37. tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, Juan 14:23. ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

21Ang magtagumpay, Mat. 19:28. ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na Apoc. 5:5; 6:2; 17:14. nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.

22Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help