1Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay
4Aking sinabi sa Nah. 2:13. hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
5Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may 1 Sam. 2:3; Job 15:26. matigas na ulo.
6Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
7Kundi ang Awit 50:6. Dios ay siyang hukom:
1 Sam. 2:7. Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
8Sapagka't Awit 11:6. sa kamay ng Panginoon ay may Job 21:20. isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
9Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 Jer. 48:25. Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't 1 Sam. 2:1. ang mga sungay ng matuwid ay matataas.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
