1At pagdaka,
29At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo,
30Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus.
31Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas.
32Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako.
33At nang dumating ang ikaanim na oras, ay nagdilim sa buong lupa hanggang sa oras na ikasiyam.
34At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, Awit 22:1. Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?
35At nang marinig ng ilang nangaroon, ay sinabi nila, Narito, tinatawag niya si Elias.
36At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba.
37At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga.
38At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba.
39At Mat. 27:54; Luc. 23:47. ang senturiong nakatayo sa tapat niya, nang makitang malagot ang hininga niya, ay kaniyang sinabi, Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios.
40At mayroon din namang mga babae na nagsisitanaw mula sa malayo: na sa mga yao'y nangaroroon kapuwa si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago na bata at ni Jose, at Mar. 16:1. si Salome;
41Na, nang siya'y nasa Galilea, ay nagsisunod sila sa kaniya, at siya'y pinaglilingkuran nila; at mga iba pang maraming babae na nagsiahong kasama niya sa Jerusalem.
42At Mat. 27:57-61; Luc. 23:50-56; Juan 19:38-42. nang kinahapunan, sapagka't noo'y Mat. 27:62. Paghahanda, sa makatuwid baga'y ang araw na nauuna sa sabbath,
43Dumating si Jose na taga Arimatea, isang Luc. 23:50. kasangguni na may marangal na kalagayan, na Luc. 2:25. naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus.
44At nanggilalas si Pilato kung siya'y patay na: at nang mapalapit niya sa kaniya ang tal. 39. senturion, ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay.
45At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.
46At binili niya ang isang kayong lino, at pagkababa sa kaniya sa krus, ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan.
47At Luc. 23:55. tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.