1Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang Is. 26:9. maaga:
Kinauuhawan ka Awit 42:2. ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang Awit 27:4. iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 Awit 30:5. Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
4Sa gayo'y pupurihin Awit 104:33. kita habang ako'y nabubuhay:
Awit 119:48. Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6Pagka Awit 42:8. naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7Sapagka't naging katulong kita,
At Awit 61:4. sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
9Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong Awit 86:13. mababang bahagi ng lupa.
10Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11Nguni't Awit 61:6. ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay Deut. 6:13; Is. 45:23; Zef. 1:15. luluwalhati;
Sapagka't Rom. 8:13. ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
