MGA AWIT 6 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.

1Oh Panginoon, Awit 38:1. huwag mo akong sawayin sa iyong galit,

Jer. 10:24. Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.

2 Awit 30:2; 41:4; 147:3. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.

3Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:

At ikaw, Oh Panginoon, Awit 90:13. hanggang kailan?

4Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:

Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.

5 Awit 30:9; 88:10-12; 115:17; Is. 38:18. Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;

Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?

6Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;

Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.

7 Awit 31:9. Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;

Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.

8 Mat. 7:23; 25:41. Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:

Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.

9Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;

Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.

10Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam:

Sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help