1Ang Ephraim Job 15:2. ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging Os. 5:13. nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.
2Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.
3Sa bahay-bata ay Gen. 25:26. kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay Gen. 32:28. nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:
4Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa Gen. 28:12. Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.
5Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay Ex. 15. kaniyang alaala.
6Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.
7Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.
8At sinabi ng Ephraim, Zac. 11:5. Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,
9Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin Lev. 23:34. pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.
10Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.
11Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.
12At si Jacob ay Gen. 28:5. tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at Gen. 29:20, 28. naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.
13 Deut. 18:15. At sa pamamagitan ng isang propeta ay Ex. 12:50. isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.
14Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.