1Oh Panginoon,
13 Kaw. 8:22. Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
Job 10:11. Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15Ang katawan ko'y Job 10:8, 9; Ec. 11:5. hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 Awit 40:5. Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19Walang pagsalang iyong Is. 11:4. papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At Jud. 15. ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 2 Cron. 19:2; Awit 119:158. Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 Awit 26:2. Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
24At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At Awit 5:8; 143:10; Jer. 6:16. patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
