1 Awit 94:17. Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Awit 129:1. Sabihin ng Israel ngayon,
2Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
3Nilamon nga nila sana Awit 56:1. tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
4Tinabunan nga sana tayo Awit 18:16; 144:7. ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
5Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
6Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
7 Awit 91:3. Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
8 Awit 121:2. Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
