1Ang ilang Is. 55:12. at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa.
2Mamumulaklak ng sagana, Is. 32:15. at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.
3Inyong palakasin Heb. 12:12. ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod.
4Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.
5Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata Awit 146:8; Is. 29:18; 32:3; Mat. 9:27-30; 11:5; 12:22; 22:30-34; 21:14; Juan 9:6, 7. ng bulag, at Mar. 7:32-35. ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.
6Kung magkagayo'y lulukso ang Mat. 11:5; 15:30; 21:14; Juan 5:3, 8, 9; Gawa 3:2-8; 8:7; 14:8-10. pilay na parang usa, at Is. 32:4; Mat. 9:32, 33; 12:22. ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal Is. 41:18; 43:19, 20; Juan 7:38, 39. ang tubig, at magkakailog sa ilang.
7At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig; sa Is. 34:13. tahanan ng mga chakal, na kanilang hinihiligan, magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok.
8At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay Is. 52:1; Joel 3:17. hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon.
9Hindi magkakaroon ng leon doon, Lev. 26:6; Is. 11:7-9. o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon.
10At ang pinagtutubos Is. 51:11. ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay Is. 25:8; 65:19; Apoc. 7:17; 21:4. mapaparam.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
