RUTH 1 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Si Elimelech at ang kaniyang angkan ay naparoon sa Moab.

1At nangyari nang mga kaarawan nang Huk. 2:16. humatol ang mga hukom, na nagkagutom sa lupain. At isang Huk. 17:8.lalaking taga Beth-lehem-juda ay yumaong nakipamayan sa lupain ng Moab, siya, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang dalawang anak na lalake.

2At ang pangalan ng lalake ay Elimelech, at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Noemi, at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak ay Mahalon at Gen. 35:19.Chelion, mga Ephrateo na taga Beth-lehem-juda. At sila'y Huk. 3:30. naparoon sa lupain ng Moab, at nanirahan doon.

3At si Elimelech na asawa ni Noemi ay namatay: at siya'y naiwan at ang kaniyang dalawang anak.

4At sila'y nagsipagasawa sa mga babae sa Moab; ang pangalan ng isa'y Orpha, at ang pangalan ng isa'y Ruth: at sila'y tumahan doon na may sangpung taon.

5At namatay kapuwa si Mahalon at si Chelion; at ang babae ay naiwan ng kaniyang dalawang anak at ng kaniyang asawa.

6Nang magkagayo'y bumangon siya na kasama ng kaniyang dalawang manugang upang siya'y bumalik mula sa lupain ng Moab: sapagka't kaniyang nabalitaan sa lupain ng Moab kung paanong Ex. 3:16.dinalaw ng Panginoon ang kaniyang bayan sa Awit 132:15.pagbibigay sa kanila ng tinapay.

7At siya'y umalis sa dakong kaniyang kinaroroonan, at ang kaniyang dalawang manugang na kasama niya: at sila'y yumaon upang bumalik sa lupain ng Juda.

8At sinabi ni Noemi sa kaniyang dalawang manugang, Kayo'y yumaon, na bumalik ang bawa't isa sa inyo sa bahay ng kaniyang ina: gawan nawa kayo ng magaling ng Jos. 2:12, 14; Huk. 1:24.Panginoon, na gaya ng inyong ginawa sa mga tal. 5; Ruth 2:20.namatay at sa akin.

9Ipagkaloob nawa ng Panginoon na kayo'y makasumpong ng Ruth 3:1.kapahingahan, bawa't isa sa inyo sa bahay ng kaniyang asawa. Nang magkagayo'y kaniyang hinagkan sila; at inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak.

10At sinabi nila sa kaniya, Hindi, kundi kami ay babalik na kasama mo sa iyong bayan.

11At sinabi ni Noemi, Kayo'y magsibalik, mga anak ko: bakit kayo'y yayaong kasama ko? may mga anak pa ba ako sa aking tiyan, Gen. 38:11; Deut. 25:5.na magiging inyong mga asawa?

12Kayo'y magsibalik, mga anak ko, magpatuloy kayo ng inyong lakad; sapagka't ako'y totoong matanda na upang magkaroon pa ng asawa. Kung aking sabihin, Ako'y may pagasa, kung ako'y magkaasawa man ngayong gabi, at ako'y magkakaanak man;

13Maghihintay kaya kayo hanggang sa sila'y lumaki? magbabawa kaya kayo na magkaasawa? huwag, mga anak ko: sapagka't daramdamin kong mainam dahil sa inyo, sapagka't ang Job 19:21; Awit 32:4; 38:2; 39:9-10.kamay ng Panginoon ay nanaw laban sa akin.

14At inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak uli; at hinagkan ni Orpha ang kaniyang biyanan; nguni't si Ruth Kaw. 17:17; 18:24.ay yumakap sa kaniya.

Si Noemi at si Ruth ay bumalik sa Juda.

15At sinabi niya, Narito, ang iyong hipag ay bumalik na sa kaniyang bayan, at sa kaniyang dios; 2 Hari 2:2-6.bumalik kang sumunod sa iyong hipag.

16At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong Ruth 2:11-12.bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:

17Kung saan ka mamatay, ay mamamatay ako, at doon ako ililibing; hatulan ako ng 1 Sam. 3:17; 14:44; 20:13; 2 Sam. 19:13; 2 Hari 6:31.Panginoon at lalo na, maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin.

18 Gawa 21:14. At nang makita ni Noemi na mapilit ng pagsama sa kaniya, ay tumigil ng pagsasalita sa kaniya.

19Sa gayo'y yumaon silang dalawa hanggang sa sila'y dumating sa Beth-lehem. At nangyari, nang sila'y dumating sa Beth-lehem, na ang Mat. 21:10.buong bayan ay napataka sa kanila; at sinabi ng mga babae, Ito ba'y si Noemi?

20At sinabi niya sa kanila, Huwag na ninyo akong tawaging Noemi, tawagin ninyo akong Mara: sapagka't ginawan ako ng kapaitpaitan ng Job 27:2.Makapangyarihan sa lahat.

21Ako'y umalis na punó, Job 1:21.at ako'y iniuwi ng Panginoon na walang dala. Bakit ninyo ako tinatawag na Noemi, yamang ang Panginoon ay nagpatotoo laban sa akin, at dinalamhati ako ng Makapangyarihan sa lahat?

22Sa gayo'y nagsibalik si Noemi at si Ruth na Moabita, na kaniyang manugang na kasama niya, na nagsibalik mula sa lupain ng Moab: at sila'y nagsidating sa Beth-lehem sa Ruth 2:23; 2 Sam. 21:9.pasimula ng pagaani ng sebada.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help