ZACARIAS 2 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang habag na pangako sa Sion.

1At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang Ezek. 40:3; 47:3. isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.

2Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, Apoc. 11:1. Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.

3At, narito, Zac. 1:19. ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,

4At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na Est. 9:19; Ezek. 38:11. walang mga kuta, Jer. 31:27. dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.

5Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, Is. 60:19; Apoc. 21:23. at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.

6Oy, oy, Is. 48:20. magsitakas kayo Jer. 3:18. mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.

7Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.

8Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; Deut. 32:10. sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.

9Sapagka't narito, aking Is. 11:15; 19:16. ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at Zac. 4:9. inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.

10 Zef. 3:14. Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't Awit 40:7. narito, ako'y naparirito, at Zac. 8:3. ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.

11At maraming bansa ay Is. 2:2, 3; 49:22; 55:5; 60:3; 66:23; Zac. 8:22. magpipisan sa Panginoon Is. 2:11; Zac. 3:10. sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.

12At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain Zac. 1:17. at pipiliin pa ang Jerusalem.

13Tumahimik ang lahat na tao, Hab. 2:20. sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help