ISAIAS 50 - Tagalog Form-Based Bible (1905/1982)(ABTAG)

Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.

1Ganito ang sabi ng Panginoon, Deut. 24:1; Jer. 3:8; Os. 2:2. Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? Deut. 32:30. o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili Is. 52:3; Rom. 7:14. kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.

2Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y Is. 65:2. tumawag, ay walang sumagot? Is. 59:1. naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? Ex. 14:21; Is. 51:10. Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: Ex. 7:18, 21. ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.

3Aking binibihisan ng kaitiman ang langit Ex. 10:21. at aking ginagawang Apoc. 6:12. kayong magaspang ang kaniyang takip.

4Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, Is. 8:16. upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. Is. 28:19. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.

5Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y Mat. 26:39; Juan 4:34; Heb. 5:8; 10:5-7; Fil. 2:8. hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.

6 Mat. 27:26. Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, Mat. 26:67. at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.

7Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't Ezek. 3:8, 9; Luc. 9:51. inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, Heb. 12:2. at talastas ko na hindi ako mapapahiya.

8Siya'y malapit Rom. 8:32-34. na nagpapatotoo sa akin; Job 12:19. sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.

9Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? Awit 102:26; Is. 51:6. narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin Awit 39:11; Mat. 6:19, 20. sila ng tanga.

10Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Awit 23:4. Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, 2 Cron. 13:18. at umasa sa kaniyang Dios.

11Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga suló: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga suló na inyong pinagalab. Juan 9:39. Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga Awit 16:4. sa kapanglawan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help