1Ngayon, ng ministeryong higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan sa isang higit na mabuting tipan na pinagtibay sa higit na mabubuting pangako.
7Sapagkat kung ang unang tipang iyon ay walang kapintasan, hindi na sana kailangang humanap pa ng pangalawa.
8Sapagkat ng kapintasan sa kanila, ay sinabi niya,
“Ang mga araw ay tiyak na darating, sabi ng Panginoon,
na ako'y gagawa ng isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel
at sa sambahayan ni Juda,
9hindi ayon sa tipang aking ginawa sa kanilang mga ninuno,
nang araw na hawakan ko sila sa kamay, upang sila'y ihatid papalabas sa lupain ng Ehipto,
sapagkat sila'y hindi nagpatuloy sa aking tipan,
kaya't ako'y hindi nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon.
10Ito ang tipang aking gagawin sa sambahayan ni Israel
pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip,
at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso,
at ako'y magiging Diyos nila,
at sila'y magiging bayan ko.
11At hindi magtuturo ang bawat isa sa kanila sa kanyang kababayan,
o magsasabi ang bawat isa sa kanyang kapatid, ‘Kilalanin mo ang Panginoon,’
sapagkat ako'y makikilala nilang lahat,
mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila sa kanila.
12Sapagkat ako'y magiging mahabagin sa kanilang mga kasamaan,
at ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.”
13Sa pagsasalita tungkol sa “bagong tipan,” ginawa niyang lipas na ang una. At ang ginawang lipas na at tumatanda ay malapit nang maglaho.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
