NAHUM 1 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Ang Galit ng Panginoon

Laban sa Ninive

1IsangIsa. 10:5-34; 14:24-27; Sef. 2:13-15 pahayag tungkol sa Ninive. Ang aklat ng pangitain ni Nahum na taga-Elkos.

2Ang Panginoon ay mapanibughuin at naghihiganting Diyos,

ang Panginoon ay naghihiganti at punô ng poot;

ang Panginoon ay naghihiganti sa kanyang mga kaaway,

at siya'y naglalaan ng poot sa kanyang mga kaaway.

3Ang Panginoon ay banayad sa galit ngunit may dakilang kapangyarihan,

at sa anumang paraan ay hindi pawawalang-sala ng Panginoon ang nagkasala.

Ang kanyang daan ay sa ipu-ipo at sa bagyo,

at ang mga ulap ay siyang alabok ng kanyang mga paa.

4Kanyang sinasaway ang dagat at ito'y tinutuyo,

at tinutuyo niya ang lahat ng ilog,

ang Basan at Carmel ay natutuyo,

at ang bulaklak ng Lebanon ay nalalanta.

5Ang mga bundok ay nanginginig sa harapan niya,

ang mga burol ay natutunaw;

ang lupa'y nawawasak sa kanyang harapan,

ang sanlibutan at ang lahat ng naninirahan doon.

6Sino ang makakatayo sa harap ng kanyang galit?

Sinong makakatagal sa bangis ng kanyang galit?

Ang kanyang poot ay ibinubuhos na gaya ng apoy,

at ang malalaking bato ay binabasag niya.

7Ang Panginoon ay mabuti,

isang muog sa araw ng kaguluhan;

at nakikilala niya ang mga nanganganlong sa kanya.

8Ngunit sa pamamagitan ng umaapaw na baha

kanyang lubos na wawakasan ang kanyang mga kaaway,

at hahabulin ang kanyang mga kaaway sa kadiliman.

9Ano ang inyong binabalak laban sa Panginoon?

Siya'y gagawa ng lubos na kawakasan;

ang pagdadalamhati ay hindi titindig ng dalawang ulit.

10Gaya ng mga tinik, sila'y nagkakabuhol-buhol,

gaya ng mag-iinom, sila'y naglalasing;

gaya ng tuyong dayami, sila'y natutupok.

11Hindi ba lumabas ang isa sa iyo na

nagpanukala ng kasamaan laban sa Panginoon,

at nagpapayo ng masama?

12Ganito ang sabi ng Panginoon,

“Bagaman sila'y malakas at marami,

sila'y puputulin at lilipas.

Bagaman pinahirapan kita,

hindi na kita pahihirapan pa.

13At ngayo'y babaliin ko ang kanyang pamatok na nasa iyo,

at aking lalagutin ang iyong mga gapos.”

14Ang Panginoon ay nagbigay ng utos tungkol sa iyo:

“Hindi na magpapatuloy ang iyong pangalan,

mula sa bahay ng iyong mga diyos ay aking ihihiwalay

ang larawang inanyuan at ang larawang hinulma.

Aking gagawin ang iyong libingan, sapagkat ikaw ay walang halaga.”

15Narito,Isa. 52:7 nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niya

na nagdadala ng mabubuting balita,

na nagpapahayag ng kapayapaan!

Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, O Juda,

tuparin mo ang iyong mga panata;

sapagkat ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo;

siya'y lubos na ititiwalag.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help