MGA AWIT 121 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1Ang aking mga mata sa burol ay aking ititingin,

ang akin bang saklolo ay saan manggagaling?

2Ang saklolo sa akin ay buhat sa Panginoon,

na siyang gumawa ng langit at lupa.

3Hindi niya papahintulutang ang paa mo'y madulas;

siyang nag-iingat sa iyo ay hindi matutulog.

4Siyang nag-iingat ng Israel

ay hindi iidlip ni matutulog man.

5Ang Panginoon ay iyong tagapag-ingat;

ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.

6Hindi ka sasaktan ng araw kapag araw,

ni ng buwan man kapag gabi.

7Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;

kanyang iingatan ang iyong kaluluwa.

8Ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok ay kanyang iingatan,

mula sa panahong ito at magpakailanpaman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help