1Kinaumagahan, nagsanggunian kaagad ang mga punong pari kasama ang matatanda at mga eskriba at ang buong Sanhedrin. Ginapos nila si Jesus, inilabas at ibinigay kay Pilato.
2Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot siya sa kanya, “Ikaw ang nagsasabi.”
3Pinaratangan siya ng mga punong pari ng maraming bagay.
4Muli siyang tinanong ni Pilato, “Wala ka bang isasagot? Tingnan mo kung gaano karami ang kanilang ibinibintang laban sa iyo.”
5Ngunit si Jesus ay hindi sumagot ng anuman, anupa't nanggilalas si Pilato.
Hinatulang Mamatay si Jesus(Mt. 27:15-26; Lu. 23:13-25; Jn. 18:39–19:16)6Sa bawat kapistahan ay nakaugalian na niyang pawalan sa kanila ang isang bilanggo na kanilang hilingin.
7Mayroong isa na kung tawagin ay Barabas, na nakakulong kasama ng mga manghihimagsik na sa panahon ng paghihimagsik ay pumatay ng tao.
8Kaya't lumapit ang karamihan at nagpasimulang hilingin sa kanya na sa kanila'y gawin ang ayon sa kanyang nakaugalian.
9Sinagot naman sila ni Pilato, “Ibig ba ninyong pawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?”
10Sapagkat batid niya na dahil sa inggit ay ipinadakip siya ng mga punong pari.
11Ngunit inudyukan ng mga punong pari ang taong-bayan na sa halip ay palayain niya si Barabas para sa kanila.
12Ngunit muling sumagot si Pilato at sa kanila'y sinabi, “Ano ngayon ang nais ninyong gawin ko sa tinatawag ninyong Hari ng mga Judio?”
13At sila'y muling nagsigawan, “Ipako siya sa krus.”
14Ngunit sinabi sa kanila ni Pilato, “Bakit, anong kasamaan ang kanyang ginawa?” Subalit sila'y lalong nagsigawan, “Ipako siya sa krus.”
15At sa pagnanais ni Pilato na bigyang-kasiyahan ang taong-bayan, pinalaya si Barabas para sa kanila. Pagkatapos na ipahagupit si Jesus, siya'y ibinigay niya upang ipako sa krus.
Nilibak si Jesus ng mga Kawal(Mt. 27:27-31; Jn. 19:2, 3)16Pagkatapos ay dinala siya ng mga kawal sa bulwagan na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong batalyon.
17Siya'y kanilang dinamitan ng kulay-ube, at nang makapagtirintas ng isang koronang tinik ay ipinutong nila ito sa kanya.
18At pinasimulan nilang pagpugayan siya, “Mabuhay, Hari ng mga Judio!”
19Hinampas nila ang kanyang ulo ng isang tungkod, dinuraan siya at lumuhod sa harapan niya.
20Pagkatapos na siya'y kanilang libakin, inalis nila sa kanya ang kulay-ube na balabal at isinuot sa kanya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako sa krus.
Ipinako si Jesus sa Krus(Mt. 27:32-44; Lu. 23:26-43; Jn. 19:16-27)21Pinilit
22Siya'y kanilang dinala sa pook na tinatawag na Golgota na ang kahulugan ay ‘Ang pook ng bungo.’
23At siya'y binigyan nila ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya tinanggap iyon.
24Siya'y
40At ng isang telang lino at pagkababa sa kanya sa krus ay binalot siya ng telang lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato. At iginulong niya ang isang bato sa pintuan ng libingan.
47Nakita ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya inilagay.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.