1Ang
siya na puspos ng katarungan!
Ang katuwiran ay tumatahan sa kanya,
ngunit ngayo'y mga mamamatay-tao.
22Ang iyong pilak ay naging dumi,
ang iyong alak ay nahaluan ng tubig.
23Ang iyong mga pinuno ay mga rebelde,
at kasama ng mga mapaghimagsik.
Bawat isa'y nagnanais ng mga suhol,
at naghahangad ng mga regalo.
Hindi nila ipinagtatanggol ang ulila,
o nakakarating man sa kanila ang usapin ng babaing balo.
24Kaya't ang Panginoon, Diyos ng mga hukbo, ang Makapangyarihan ng Israel, ay nagsasabi,
“Ah, aking ibubuhos ang aking poot sa aking mga kaaway,
at maghihiganti ako sa aking mga kaaway.
25Aking ibabaling ang aking kamay laban sa iyo,
at aking sasalaing lubos ang iyong dumi tulad ng lihiya,
at aalisin ko ang lahat ng iyong tingga.
26At aking ibabalik ang iyong mga hukom na gaya ng una,
at ang iyong mga tagapayo na tulad ng pasimula.
Pagkatapos ay tatawagin kang lunsod ng katuwiran,
ang tapat na lunsod.”
27Ang Zion ay tutubusin ng katarungan,
at ang kanyang mga nanunumbalik sa pamamagitan ng katuwiran.
28Ngunit magkasamang lilipulin ang mga mapaghimagsik at mga makasalanan,
at silang tumalikod sa Panginoon ay magwawakas.
29Ngunit ikahihiya mo ang mga punungkahoy
na inyong kinagigiliwan;
at kayo'y mapapahiya dahil sa inyong piniling mga halamanan.
30Sapagkat kayo'y magiging parang kahoy
na ang dahon ay nalalanta,
at parang halamanan na walang tubig.
31Ang malakas ay magiging parang bagay na madaling masunog,
at ang kanyang gawa ay parang kislap,
at kapwa sila magliliyab
at walang papatay sa apoy.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
