ISAIAS 9 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Kapanganakan at Paghahari ng Prinsipe ng Kapayapaan

1Gayunman sa Israel.

9At malalaman ng buong bayan,

ng Efraim at ng mga mamamayan ng Samaria,

na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng puso:

10“Ang mga laryo ay nahulog,

ngunit aming itatayo ng tinabas na bato;

ang mga sikomoro ay pinutol na,

ngunit aming papalitan ng mga sedro.”

11Kaya't ang Panginoon ay magbabangon ng mga kaaway laban sa kanila,

at pasisiglahin ang kanyang mga kalaban.

12Ang mga taga-Siria sa silangan, at ang mga Filisteo sa kanluran,

at kanilang lalamunin ang Israel sa pamamagitan ng bukas na bibig.

Sa lahat na ito ang kanyang galit ay hindi napawi,

kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.

13Gayunma'y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kanya na nanakit sa kanila,

o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.

14Kaya't puputulin ng Panginoon ang ulo't buntot ng Israel,

ang sanga ng palma at ang tambo, sa isang araw—

15ang matanda at ang marangal na tao ang siyang ulo,

at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan ang siyang buntot.

16Sapagkat silang umakay sa bayang ito ay siyang nagliligaw;

at silang pinapatnubayan nila ay nilamon.

17Kaya't ang Panginoon ay hindi nagagalak sa kanilang mga binata,

ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing balo.

Sapagkat bawat isa ay masama at manggagawa ng kasamaan,

at bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan.

Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi,

kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.

18Sapagkat ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy;

ito'y tumutupok ng mga dawag at mga tinikan;

inaapuyan nito ang tinikan sa gubat,

at pumapailanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.

19Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo

ay nasusunog ang lupain.

Ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy;

walang taong nagpapatawad sa kanyang kapatid.

20Sila'y sumunggab ng kanang kamay, ngunit nagugutom pa rin,

at kakain sa kaliwa, ngunit hindi sila nasisiyahan,

nilalamon ng bawat isa ang laman ng kanyang kapwa.

21Sinakmal ng Manases ang Efraim, at ng Efraim ang Manases;

sila'y kapwa naging laban sa Juda.

Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi,

kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help