MGA AWIT 126 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1Nang ibalik ng Panginoon ang mga kayamanan ng Zion,

tayo ay gaya ng mga nananaginip.

2Nang magkagayo'y napuno ang ating bibig ng mga tawanan,

at ang ating dila ng mga awit ng kagalakan,

nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,

“Ang Panginoon ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa kanila.”

3Ang Panginoon ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa atin,

kami ay natutuwa.

4Ang aming mga bihag, O Panginoon, ay iyong ibalik,

na gaya ng mga batis sa Negeb!

5Yaon nawang nagsisipaghasik na luhaan,

ay mag-ani na may sigaw ng kagalakan!

6Siyang lumalabas na umiiyak,

na may dalang itatanim na mga binhi,

ay uuwi na may sigaw ng kagalakan,

na dala ang kanyang mga bigkis ng inani.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help