MGA AWIT 136 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

1O1 Cro. 16:34; 2 Cro. 5:13; 7:3; Ezra 3:11; Awit 100:5; 106:1; 107:1; 118:1; Jer. 33:11 magpasalamat kayo sa Panginoon; sapagkat siya'y mabuti;

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

2O magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

3Ang Panginoon ng mga panginoon ay inyong pasalamatan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

4siya na tanging gumagawa ng mga dakilang kababalaghan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

5siyaGen. 1:1 na sa pamamagitan ng unawa ay ginawa ang kalangitan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

6siyaGen. 1:2 na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

7siyaGen. 1:16 na gumawa ng mga dakilang tanglaw,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

8ng araw upang ang araw ay pagharian,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

9ng buwan at mga bituin upang ang gabi'y pamunuan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

10siyaExo. 12:29 na sa mga panganay sa Ehipto ay pumaslang,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

11atExo. 12:51 mula sa kanila, ang Israel ay inilabas,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

12sa pamamagitan ng malakas na kamay at ng unat na bisig,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

13siyaExo. 14:21-29 na sa Dagat na Pula ay humawi,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

14at sa gitna nito ang Israel ay pinaraan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

15ngunit nilunod si Faraon at ang kanyang hukbo sa Pulang Dagat,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

16siya na pumatnubay sa kanyang bayan sa ilang,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

17siya na sa mga dakilang hari ay pumatay,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman,

18at sa mga bantog na hari ay pumaslang,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

19kayBil. 21:21-30 Sihon na hari ng mga Amorita,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

20atBil. 21:31-35 kay Og na hari ng Basan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

21at ang kanilang lupain bilang pamana'y ibinigay,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

22isang pamana sa Israel na kanyang tauhan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

23Siya ang nakaalala sa atin sa ating mababang kalagayan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

24at iniligtas tayo sa ating mga kaaway,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

25siya na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng laman,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

26O magpasalamat kayo sa Diyos ng kalangitan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help