MGA AWIT 129 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1“Madalas nila akong saktan mula sa aking kabataan,”

sabihin ngayon ng Israel—

2“Madalas nila akong saktan mula sa aking kabataan,

gayunma'y laban sa akin ay hindi sila nagtagumpay.

3Inararo ng mga mag-aararo ang likod ko;

kanilang pinahaba ang mga tudling nila.”

4Matuwid ang Panginoon;

ang mga panali ng masama ay kanyang pinutol.

5Lahat nawa ng napopoot sa Zion,

ay mapahiya at mapaurong!

6Maging gaya nawa sila ng damo sa mga bubungan,

na natutuyo bago pa ito tumubo man,

7sa mga ito'y hindi pinupuno ng manggagapas ang kanyang kamay,

ni ng nagtatali ng mga bigkis ang kanyang kandungan.

8Hindi rin sinasabi ng mga nagdaraan,

“Ang pagpapala nawa ng Panginoon ay sumainyo!

Sa pangalan ng Panginoon ay binabasbasan namin kayo!”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help