JEREMIAS 47 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Ang Mensahe ng Panginoon

tungkol sa mga Filisteo

1AngIsa. 14:29-31; Ez. 25:15-17; Joel 3:4-8; Amos 1:6-8; Sef. 2:4-7; Zac. 9:5-7 salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga Filisteo, bago sinakop ni Faraon ang Gaza.

2“Ganito ang sabi ng Panginoon:

Narito, ang mga tubig ay umaahon mula sa hilaga,

at magiging nag-uumapaw na baha;

ang mga ito ay aapaw sa lupain at sa lahat ng naroon,

ang lunsod at ang mga naninirahan doon.

Ang mga tao ay sisigaw,

at bawat mamamayan sa lupain ay tatangis.

3Sa ingay ng lagapak ng mga kuko ng kanyang mga kabayo,

sa hagibis ng kanyang mga karwahe, sa ingay ng kanilang mga gulong,

hindi nililingon ng mga magulang ang kanilang mga anak,

dahil sa kahinaan ng kanilang mga kamay,

4dahil sa araw na dumarating

upang lipulin ang lahat ng Filisteo,

upang ihiwalay sa Tiro at Sidon

ang bawat kakampi na nananatili.

Sapagkat nililipol ng Panginoon ang mga Filisteo,

ang nalabi sa pulo ng Crete.

5Ang pagiging kalbo ay dumating sa Gaza,

ang Ascalon ay nagiba.

O nalabi ng kanilang libis,

hanggang kailan mo hihiwaan ang iyong sarili?

6Ah, tabak ng Panginoon!

Hanggang kailan ka hindi tatahimik?

Ilagay mo ang sarili sa iyong kaluban;

ikaw ay magpahinga at tumahimik!

7Paano ito magiging tahimik

yamang ito'y inatasan ng Panginoon?

Laban sa Ascalon at laban sa baybayin ng dagat

ay itinakda niya ito.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help