1Sinong
ang lahat nating kasamaan.
7Siya'yApoc. 5:6 Gw. 8:32, 33 inapi, at siya'y sinaktan,
gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig;
gaya ng kordero na dinadala sa katayan,
at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
8Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya;
at tungkol sa kanyang salinlahi,
na itinuring na siya'y itiniwalag sa lupain ng mga buháy,
at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.
9At1 Ped. 2:22 ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama,
at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan;
bagaman hindi siya gumawa ng karahasan,
o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.
10Gayunma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya;
kanyang inilagay siya sa pagdaramdam;
kapag gagawin niya ang kanyang kaluluwa bilang handog pangkasalanan,
makikita niya ang kanyang supling, pahahabain niya ang kanyang mga araw;
at ang kalooban ng Panginoon ay uunlad sa kanyang kamay.
11Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa,
at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.
Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami,
at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.
12Kaya'tMc. 15:28; Lu. 22:37 hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila,
at kanyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas;
sapagkat kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan,
at ibinilang na kasama ng mga lumalabag;
gayunma'y pinasan niya ang kasalanan ng marami,
at namagitan para sa mga lumalabag.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
