MGA AWIT 130 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1Mula sa kalaliman, O Panginoon, ako sa iyo'y dumaing!

2Panginoon, tinig ko'y pakinggan!

Mga pandinig mo'y makinig sa tinig ng aking mga karaingan!

3Kung ikaw, Panginoon, ay magtatala ng mga kasamaan,

O Panginoon, sino kayang makakatagal?

4Ngunit sa iyo'y may kapatawaran,

upang ikaw ay katakutan.

5Ako'y naghihintay sa Panginoon, naghihintay ang aking kaluluwa,

at sa kanyang salita ako ay umaasa;

6sa Panginoon ay naghihintay ang aking kaluluwa,

higit pa kaysa bantay sa umaga;

tunay na higit pa kaysa bantay sa umaga.

7O Israel, umasa ka sa Panginoon!

Sapagkat sa Panginoon ay may tapat na pagmamahal,

at sa kanya ay may saganang katubusan.

8AngMt. 1:21; Tito 2:14 Israel ay tutubusin niya,

mula sa lahat niyang pagkakasala.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help