1Ang mga anak ni Levi ay sina Gershon, Kohat, at Merari.
2Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel.
3Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises, at Miriam. Ang mga anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar.
4Si Eleazar ang ama ni Finehas, at si Finehas ang ama ni Abisua.
5Si Abisua ang ama ni Buki, at si Buki ang ama ni Uzi.
6Si Uzi ang ama ni Zeraias, si Zeraias ang ama ni Meraiot.
7Si Meraiot ang ama ni Amarias, si Amarias ang ama ni Ahitub.
8Si Ahitub ang ama ni Zadok, si Zadok ang ama ni Ahimaaz.
9Si Ahimaaz ang ama ni Azarias, at si Azarias ang ama ni Johanan.
10Si Johanan ang ama ni Azarias (na siyang naglingkod bilang pari sa bahay na itinayo ni Solomon sa Jerusalem).
11Si Azarias ang ama ni Amarias, si Amarias ang ama ni Ahitub;
12si Ahitub ang ama ni Zadok, si Zadok ang ama ni Shallum.
13Si Shallum ang ama ni Hilkias, at si Hilkias ang ama ni Azarias.
14Si Azarias ang ama ni Seraya, at si Seraya ang ama ni Jehozadak,
15si Jehozadak ay nabihag nang ipabihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nebukadnezar.
16Ang pati ang mga pastulan doon, ang Debir pati ang mga pastulan doon;
59ang Asan pati ang mga pastulan doon, at ang Bet-shemes pati ang mga pastulan doon.
60At mula sa lipi ni Benjamin: ang Geba pati ang mga pastulan doon, ang Alemet pati ang mga pastulan doon, at ang Anatot pati na ang mga pastulan doon. Ang lahat ng kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labintatlong bayan.
61Ang iba pa sa mga anak ni Kohatita ay binigyan sa pamamagitan ng palabunutan, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, sampung bayan.
62At sa mga anak ni Gershon, ayon sa kanilang mga angkan, sa lipi ni Isacar, sa lipi ni Aser, sa lipi ni Neftali, at sa lipi ni Manases sa Basan, labintatlong bayan.
63Ang mga anak ni Merari ay binigyan sa pamamagitan ng palabunutan, ayon sa kanilang mga angkan sa lipi ni Ruben, sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zebulon, labindalawang bayan.
64At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga bayan pati na ang mga pastulan doon.
65At kanilang ibinigay sa pamamagitan ng palabunutan sa lipi ng mga anak ni Juda, sa lipi ng mga anak ni Simeon, at sa lipi ng mga anak ni Benjamin, ang mga bayang ito na binanggit sa pangalan.
Ang mga Bayan ng mga Levita66Ang ilan sa mga angkan ng mga anak ni Kohat ay may mga bayan sa kanilang mga nasasakupan na mula sa lipi ni Efraim.
67Sa kanila ay ibinigay ang mga lunsod-kanlungan: ang Shekem sa lupaing maburol ng Efraim pati na ang mga pastulan doon, gayundin ang Gezer pati na ang mga pastulan doon.
68Ang Jocmeam pati na ang mga pastulan doon; at ang Bet-horon pati na ang mga pastulan doon.
69Ang Ajalon pati na ang mga pastulan doon; at ang Gat-rimon pati na ang mga pastulan doon.
70At mula sa kalahating lipi ni Manases; ang Aner pati na ang mga pastulan doon, ang Bilam pati na ang mga pastulan doon sa nalabi sa angkan ng mga anak ni Kohatita.
71Sa mga anak ni Gershon ay napabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati na ang mga pastulan doon, at ang Astarot pati na ang mga pastulan doon.
72At mula sa lipi ni Isacar, ang Kedes pati na ang mga pastulan doon, ang Daberat pati na ang mga pastulan doon;
73ang Ramot pati na ang mga pastulan doon, ang Anem pati na ang mga pastulan doon.
74At mula sa lipi ni Aser, ang Masal pati na ang mga pastulan doon, ang Abdon pati na ang mga pastulan doon,
75ang Hukok pati na ang mga pastulan doon, ang Rehob pati na ang mga pastulan doon.
76At mula sa lipi ni Neftali; ang Kedes sa Galilea pati na ang mga pastulan doon, ang Hamon pati na ang mga pastulan doon, at ang Kiryataim pati na ang mga pastulan doon.
77Sa iba pang mga anak ni Merari ay napabigay mula sa lipi ni Zebulon ang Rimono pati na ang mga pastulan doon, ang Tabor pati na ang mga pastulan doon.
78At sa dako roon ng Jordan sa Jerico sa dakong silangan ng Jordan ay napabigay sa kanila mula sa lipi ni Ruben, ang Bezer sa ilang pati na ang mga pastulan doon, at ang Jaza pati na ang mga pastulan doon,
79ang Kedemot pati na ang mga pastulan doon, ang Mefaat pati na ang mga pastulan doon.
80At mula sa lipi ni Gad; ang Ramot sa Gilead pati na ang mga pastulan doon, at ang Mahanaim pati na ang mga pastulan doon,
81ang Hesbon pati na ang mga pastulan doon, at ang Jazer pati na ang mga pastulan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.