JOB 3 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Ang Unang Pagsasalita ni Job

1Pagkatapos

9Magdilim nawa ang mga bituin ng pagbubukang-liwayway niyon;

hayaang umasa ito ng liwanag, ngunit hindi magkakaroon,

ni mamalas ang mga talukap-mata ng umaga,

10sapagkat hindi nito tinakpan ang mga pinto ng sinapupunan ng aking ina,

o ikinubli man ang kaguluhan sa aking mga mata.

11“Bakit hindi pa ako namatay nang ako'y isilang?

Bakit hindi ako nalagutan ng hininga nang ako'y iluwal?

12Bakit tinanggap ako ng mga tuhod?

O bakit ang mga dibdib, na aking sususuhan?

13Sapagkat nahihimlay at natatahimik na sana ako,

ako sana'y natutulog; nagpapahinga na sana ako;

14kasama ng mga hari at ng mga tagapayo ng daigdig,

na muling nagtayo ng mga guho para sa kanilang sarili,

15o kasama ng mga prinsipeng may mga ginto,

na pinuno ng pilak ang kanilang bahay.

16Bakit hindi pa ako inilibing tulad ng batang patay nang isilang,

gaya ng sanggol na hindi nakakita ng liwanag kailanman?

17Doon ang masama ay tumitigil sa paggambala,

at doo'y ang pagod ay nagpapahinga.

18Doon ang mga bilanggo ay sama-samang nagiginhawahan,

hindi nila naririnig ang tinig ng nag-aatang ng pasan.

19Ang hamak at ang dakila ay naroroon,

at ang alipin ay malaya sa kanyang panginoon.

20“Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa kahirapan,

at ng buhay ang kaluluwang nasa kapighatian,

21na

at ang aking mga daing ay bumubuhos na parang tubig.

25Sapagkat ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin,

at ang aking pinangingilabutan ay nangyayari sa akin.

26Hindi ako mapalagay at hindi rin matahimik,

wala akong kapahingahan; kundi dumarating ang kaguluhan.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help