MGA AWIT 1 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

UNANG AKLAT(Mga Awit 1–41)Dalawang Uri ng Pamumuhay

1Mapalad ang taong

hindi lumalakad sa payo ng masama,

ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,

ni umuupo man sa upuan ng mga manunuya;

2kundi nasa kautusan ng Panginoon ang kanyang kagalakan,

at nagbubulay-bulay araw at gabi sa kanyang kautusan.

3Siya ayJer. 17:8 gaya ng isang punungkahoy

na itinanim sa tabi ng agos ng tubig,

na nagbubunga sa kanyang kapanahunan,

ang kanyang dahon nama'y hindi nalalanta,

sa lahat ng kanyang ginagawa ay nagtatagumpay siya.

4Ang masama ay hindi gayon;

kundi parang ipang itinataboy ng hangin.

5Kaya't ang masama ay hindi tatayo sa hukuman,

ni sa kapulungan ng matuwid ang makasalanan;

6sapagkat ang lakad ng matuwid ang Panginoon ang nakakaalam,

ngunit mapapahamak ang lakad ng makasalanan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help