ISAIAS 17 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Parurusahan ng Diyos ang Damasco

1Isang

iyon ay magiging para sa mga kawan,

na hihiga, at walang mananakit sa kanila.

3Ang kuta ay mawawala sa Efraim,

at ang kaharian sa Damasco;

at ang nalabi sa Siria ay magiging

gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

4Sa araw na iyon,

ang kaluwalhatian ng Jacob ay ibababa,

at ang katabaan ng kanyang laman ay mangangayayat.

5At ito'y magiging gaya nang kapag tinitipon ng mang-aani ang nakatayong trigo,

at ginagapas ng kanyang kamay ang mga uhay;

oo, magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay

sa Libis ng Refaim.

6Gayunma'y maiiwan doon ang mga pinulot,

gaya ng kapag niyugyog ang puno ng olibo—

na dalawa o tatlong bunga

ay naiiwan sa dulo ng kataas-taasang sanga,

apat o lima

sa mga sanga ng mabungang punungkahoy, sabi ng Panginoong Diyos ng Israel.

Matatapos ang Pagsamba sa mga Diyus-diyosan

7Sa araw na iyon ay pahahalagahan ng mga tao ang Maylalang sa kanila, ang kanilang mga mata ay titingin sa Banal ng Israel.

8Hindi nila pahahalagahan ang mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, at hindi sila titingin sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa mga sagradong poste, o sa mga altar ng insenso.

9Sa araw na iyon, ang kanilang matitibay na lunsod ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan dahil sa mga anak ni Israel; at magiging wasak.

10Sapagkat kinalimutan mo ang Diyos ng iyong kaligtasan,

at hindi mo inalala ang Malaking Bato ng iyong kanlungan.

Kaya't bagaman nagtatanim ka ng mabubuting pananim,

at naglagay ka ng ibang sangang pananim.

11Bagaman sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong inalagaan,

at pinamumulaklak mo ang mga iyon sa kinaumagahan,

gayunma'y mawawala ang ani

sa araw ng kalungkutan at walang lunas na hapdi.

12Ah, ang ingay ng maraming bansa,

na umuugong na gaya ng ugong ng mga dagat;

Ah, ang ingay ng mga bansa,

na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng malakas na mga tubig!

13Ang mga bansa ay umuugong na parang agos ng maraming tubig,

ngunit sila'y sasawayin niya, at sila'y magsisitakas sa malayo,

at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin,

at gaya ng ipu-ipong alabok sa harap ng bagyo.

14Sa gabi, ay narito ang nakakatakot!

At bago dumating ang umaga, ay wala na sila!

Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin,

at ang kapalaran nila na nagnakaw sa atin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help